^

Police Metro

Babaeng NPA lider, todas sa engkuwentro

John Unson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang babae na mataas na opisyal ng New People’s Army (NPA) ang napatay ng mga tropa ng 53rd Infantry Battalion sa isang engkwentro kahapon ng madaling araw sa Barangay Malagalad sa Dumingag, Zamboanga del Sur.

Kinilala ng Zamboanga del Sur Provincial Police Office at ng 102nd Infantry Brigade ng 1st Infantry Division ng Philippine Army, ang nasawing si Aprecia Alvarez Rosette, isang commander at opisyal ng Western Mindanao Revolutionary Party ng NPA na ang mga pinuno ay wanted sa iba’t ibang mga kasong kriminal.

Si Rosette, kilala din bilang Commander Bambam, ay may mga kinakaharap na kasong extortion, multiple murder at armed robbery sa iba’t ibang mga korte sa Zamboanga del Sur.

Sumiklab ang eng­kwentro nang kanilang paputukan ang mga sundalong palapit sa kanilang kinaroroonan sa isang liblib na pook sa Barangay Malagalad upang magsiyasat sa mga ulat ng mga residente tungkol sa kanilang presensya sa naturang lugar na sapilitang nanghihingi ng pera at pagkain sa mga walang kalaban-laban na mga magsasaka.

Natagpuan ng mga kasapi ng 53rd IB sa tabi ng bangkay ni Rosette ang kanyang AK 47 Kalashnikov rifle at isang .45 caliber pistol, ayon sa Zamboanga del Sur PPO at sa Dumingag Municipal Police Station.

vuukle comment

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with