^

Police Metro

3 magkakapatid, patay sa sunog

Ed Amoroso, Mer Layson - Pang-masa
3 magkakapatid, patay sa sunog
Sa ulat ng Taytay Municipal Police Station, alas-9:02 ng gabi nang sumiklab ang sunog sa kusina ng bahay ng magkakapatid na matatagpuan sa J.K Bunyi St. Ortigas Avenue Extension, Barangay Dolores, Rizal.
STAR / File

MANILA, Philippines — Namatay ang tatlong magkakapatid kabilang ang isang person with disability (PWD) nang hindi makalabas sa nasusunog nilang bahay sa Taytay, Rizal, kama­kalawa ng gabi.

Ang magkakapatid na nasawi ay kinilalang sina Gloria Valera de Silva, 77, biyuda, may-ari ng tahanan; at sina Celerina, 56; at Elvira Valera, 66.

Sa ulat ng Taytay Municipal Police Station, alas-9:02 ng gabi nang sumiklab ang sunog sa kusina ng bahay ng magkakapatid na matatagpuan sa J.K Bunyi St. Ortigas Avenue Extension, Barangay Dolores, Rizal.

Ayon sa hipag ng mga biktima na si Lorna Valera, nakalabas na umano ng bahay ang dalawa sa mga biktima ngunit hindi bumalik ang mga ito para mailabas ang kapatid nila na PWD upang iligtas ngunit sa kasamaang-palad, nakulong na ang mga ito dahil sa lakas ng apoy.

Dakong alas-9:28 ng gabi nang maideklarang under control ang sunog bago tuluyang naapula dakong alas-9:47 ng gabi.

Sa mopping operations na narekober ng mga bumbero ang mga bangkay ng magkakapatid.

vuukle comment

FIRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with