Lalaki sinaksak ng tatlo sa harap ng LRT-2 station, dedo
MANILA, Philippines — Isang 30-anyos na lalaki na pinaniniwalaang pinagtripang saksakin ng tatlong hindi pa nakikilalang suspek sa harapan ng LRT-2 station, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.
Hindi na naisalba pa ng mga doktor sa Quirino Memorial Medical Center ang buhay ni Paul Glenn Olavario Oro, ng Ronas Garden, Steban Abada, St., Barangay Loyola Heights, Quezon City.
Sa imbestigasyon, alas-10:50 ng gabi nang mangyari ang krimen sa entrance ng LRT Line 2, Katipunan Station East Bound., sa Aurora Blvd., Barangay Loyola Heights, Quezon City.
Sa testimonya ng security guard ng LRT Line 2 Station, na si Jayson Amo, nag-iinspeksiyon siya sa kanyang lugar nang mapansin niyang hinabahol ng tatlong hindi pa kilalang suspek ang biktima.
Nang makorner ang biktima ay dito na pinagbubugbog at pinagsasaksak ng tatlong suspek.
Sinita ni Amo ang mga suspek kaya mabilis na tumakas ang mga ito dala ang ginamit na patalim.
- Latest