^

Police Metro

2 estudyante nalunod sa Rizal

Ed Amoroso, Mer Layson - Pang-masa
2 estudyante nalunod sa Rizal
Sa ulat ng Rizal Provincial Police Office (RPPO), kinilala ang mga nasawi na sina Reyna Daplas, 10, Grade 2 student, ng Rodriguez, Rizal; at Edgardo Nuñez, 17, Grade 10 student, residente ng Quezon City.
File

MANILA, Philippines — Kapwa nasawi ang dalawang estud­yante nang malunod sa magkahiwalay na insidente sa Rizal, kamakalawa.

Sa ulat ng Rizal Provincial Police Office (RPPO), kinilala ang mga nasawi na sina Reyna Daplas, 10, Grade 2 student, ng Rodriguez, Rizal; at Edgardo Nuñez, 17, Grade 10 student, residente ng Quezon City.

Sa report ng Rodriguez police station, bago naganap ang pagkalunod, alas-2:30 kay Daplas sa Spillway ng Brgy. San Rafael, sa Rodriguez ay kasalukuyan umanong naliligo ito nang mapansin ng ina na nawawala na.

Kaagad umano nilang hinanap ang bata ngunit patay na ito nang kanilang matagpuan.

Sa ulat naman ng San Mateo Municipal Police Station, alas-11:00 ng umaga nang malunod si Nuñez sa Malaegno River, sa Brgy. Silangan, San Mateo.

Nagkayayaan lamang umano ang biktima at mga kaibigan na maligo sa ilog ngunit sinawimpalad na matangay ng malakas na agos ng ilog ang biktima hanggang sa malunod.

vuukle comment

LUNOD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with