^

Police Metro

Abogada, 1 sa 5 npa napatay sa Bohol encounter

Joy Cantos - Pang-masa
Abogada, 1 sa 5 npa napatay sa Bohol encounter
Ayon kay Col. Louie Dema-ala, Spokesperson ng Phil. Army si Hannah Jay Cesista alyas “Maya” at “Lean”, miyembro ng NPA Bohol Party Committee , Komiteng Rehiyon-Negros, Cebu, Bohol, Siquijor ay kabilang sa mga nasawing rebelde na natukoy na ang pagkakakilanlan.
STAR / File

MANILA, Philippines — Kinumpirma kahapon ng militar na isang babaeng abogado na naligaw ng landas matapos ma-recruit ng New People’s Army (NPA) ang isa sa limang rebelde na napaslang sa engkuwentro sa Bilar, Bohol nitong Biyernes.

Ayon kay Col. Louie Dema-ala, Spokesperson ng Phil. Army si Hannah Jay Cesista alyas “Maya” at “Lean”, miyembro ng NPA Bohol Party Committee , Komiteng Rehiyon-Negros, Cebu, Bohol, Siquijor ay kabilang sa mga nasawing rebelde na natukoy na ang pagkakakilanlan.

Sinabi ni Dema-ala na isang abogado na nakapasa si Cesista na kabilang sa 3,992 na Bar Exam passers noong 2022 base na rin sa tala ng Korte Suprema.

Ayon sa opisyal si Cesista ay napangasawa ni Parlito Segovia, isa sa mga kasamahan nito sa kilusang komunista na kabilang din sa napaslang sa shootout.

Nabatid na sumapi sa NPA si Cesista noong 2020. Nitong Biyernes ay nauwi sa bakbakan ang pagsisilbi ng warrant of arrest ng tropa ng 47th Infantry Battalion ng Philippine Army at ng 21st Special Forces Company ng PNP laban sa squad leader ng NPA na si Domingo Compoc, na gumagamit ng mga alyas na “Silong”, “Cobra”, “Eloy” at “Jing”.

Ang limang rebelde na nasawi sa engkuwentro ay sina Cesista, Segovia, Compoc at mga kasamahan na sina Marlon Omosura alyas “Darwin” at isang kinilala lamang sa alyas na “Juaning”.

Samantalang isa namang pulis na nakilalang si P/Corporal Gilbert Amper ang nasawi at sugatan naman si Patrolman Gerard Rollon.

Sa tala, si Compoc ay may P2.6 milyong patong sa ulo dahil sa pagiging wanted sa mga kasong rebelyon, homicide, attempted homicide, theft, multiple murder, frustrated murder at robbery.

vuukle comment

NPA

PHIL. ARMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with