Regulasyon ng ‘e-motor vehicles’ sa lansangan, ilalabas na – MMDA
MANILA, Philippines — Isang resolusyon nagre-regulate sa paggamit ng electric motor vehicles o e-motor lalo na sa mga pangunahing lansangan ang nakatakdang ipalabas ng Metro Manila Council (MMC) kabilang na ang pagpapataw ng mga multa at parusa sa mga lalabag sa regulasyon.
Sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Director Victor Nuñez ng Traffic Enforcement Group noong Biyernes, ang resolusyon na nakatakdang talakayin at iapruba sa susunod na linggo ay kinabibilangan ng mga multa at parusang ipapataw sa mga gumagamit ng e-motor vehicle.
Pag-iisahin na rin sa resolusyon ang mga polisiya ng local government units (LGUs) sa e- trikes sa patakaran din dito ng national government.
“Nag-TWG [Technical Working Group] meeting kami last week at halos lahat in unison gusto magkaroon ng tamang regulasyon dito, kasama ang DOTr [Department of Transportation], LTO [Land Transportation Office], LTFRB [Land Transportation Franchising and Regulatory Board],” ani Nuñez sa Bagong Pilipinas briefing na inere sa People’s Television.
Mayroon na aniyang, LTO circular noong 2021 na binabalangkas ang mga alituntunin sa regulasyon ng mga e-bikes ngunit walang kaukulang parusa kaya kabilang sa nakasaad sa resolusyon ang mga multa o parusa sa mga lumalabag. “But now with the recent initiatives magkakaroon po ng fines and penalties at mas na- enhance namin ‘yung regulation pertaining to e-trikes, kuliglig and tricycles kasi ‘di lang
po e-trikes nakikita natin sa national roads, pati mga tricycles din,” dagdag ng opisyal.
- Latest