^

Police Metro

Bus vs motorsiklo: 3 patay

Ed Amoroso - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tatlong katao ang nasawi, kabilang ang isang 4-anyos na bata nang sumalpok ang sinasakyan nilang motorsiklo sa kasalubong na pampasaherong bus sa Brgy. San Diego, Tagkawayan, Quezon.

Kinilala ni Major Eric Veluz, hepe ng pulisya ng bayan, ang mga nasawi na sina Dennis Rendiza Cambel, driver ng motorsiklo, mga pasahero nitong si Virginia Oraye, 26, at 4-anyos na si  Princess Nessia Osila.

Si Cambel ay namatay on the spot sa site habang sina Oraye at Osila ay namatay habang nilalapatan ng lunas sa Ma. Lourdes Eleazar General Hospital.

Agad namang nahuli ng mga rumespondeng pulis ang driver ng Elavil bus na kinilalang si Gilberto Santos Judin, 49.

Sa inisyal na imbestigasyon na kagagaling lang ng mga biktima sa Albay patungong Cavite nang malaman nila ang aksidente sa kahabaan ng Quirino Hi-way road noong Martes ng hapon.

Sinabi ni Veluz na binabaybay ng bus (NBK-4409) ang tuwid na bahagi ng kalsada patungo sa Bicol nang ang mga biktima na sakay ng motorsiklo na mula sa kabilang direksyon ay bigla umanong umokupa sa kabilang linya kaya’t nabangga ng bus.

Inihahanda na ang kasong reckless imprudence resulting to multiple homi­cide laban sa driver.

vuukle comment

AKSIDENTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with