^

Police Metro

Grab motorcycle taxi, colorum - LTFRB

Angie dela Cruz - Pang-masa
Grab motorcycle taxi, colorum - LTFRB
Itinuturing naman itong welcome development ni Atty. Ariel Inton ng Lawyers for Commuter Safety and Protection (LCSP) dahil nalinaw na rin ng TWG na ang Grab ay walang karapatan at walang legal mandate na mag-operate ng MC taxi service.
STAR / File

MANILA, Philippines — “Hindi otorisado ang kumpanyang Grab na mag-operate ng Motorcycle Taxi”.

Ito ang kinumpirma ni Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) Chairperson at MC Taxi Technical Working Group Teofilo Guadiz sa tugon sa sulat ni Atty. Noel Valerio ng Maderazo Valerio and Partners sa pagkwestyon nito sa kung pinayagan bang mag-operate ang Grab bilang isang MC Taxi service.

Ayon kay Chair Guadiz, hindi binigyan ng anumang otorisasyon ng TWG ang Grab na mag-operate bilang isang motorcycle taxi service kaya walang dahilan para makasama ito sa pilot study para sa MC taxi.

Anya, tanging Joyride, Angkas at Move It lamang ang pinayagan ng TWG para makiisa sa ginagawang pag-aaral nila hinggil sa usapin ng MC taxi operation sa bansa.

Nagpadala naman na aniya ang LTFRB sa Grab ng notice para sagutin kung bakit may ulat na iligal itong nag-ooperate ng motorcycle taxi sa Metro Manila at Cebu gayung wala itong permit at hindi ito MC taxi operator.

Itinuturing naman itong welcome development ni Atty. Ariel Inton ng Lawyers for Commuter Safety and Protection (LCSP) dahil nalinaw na rin ng TWG na ang Grab ay walang karapatan at walang legal mandate na mag-operate ng MC taxi service.

vuukle comment

LTFRB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with