Trak hulog sa bangin sa Negros Oriental: 14 pasahero todas
MANILA, Philippines — Labing-apat na katao ang nasawi habang tatlo ang nasugatan nang mahulog ang kanilang sinasakyang truck kahapon ng tanghali sa Brgy. Bulwang, Mabinay, Negros Oriental.
Sa report ng Negros Oriental Police Provincial Office (NOPPO), ala-1:45 ng tanghali ay patungo sa town proper ng Mabinay ang truck nang mag-overshoot ito sa kurbadang daan ng national highway na kung saan ay bumaliktad ang truck at nahulog sa bangin sa 20 metro ang ilalim sa nasabing lugar.
Base sa imbestigasyon ay nawalan ng preno ang truck na walang karga maliban sa mga taong nakasakay na galing sa bayan ng Libertad at patungo sa Mabinay para bumili ng mga aalagaang baboy. Nasa kostudiya na pulisya ang driver.
- Latest