57 solons tutol sa paghiwalay sa Mindanao
MANILA, Philippines — Nasa 57 Kongresista kabilang ang 53 mula sa Mindanao ang lumagda sa manifesto bilang pagtutol sa panukala ni dating Pangulong Rodrigo “Digong “ Duterte na humiwalay na ang Mindanao sa Pilipinas .
Ang manifesto ay may titulong Unified Manifesto for National Integrity and Development ay nilagdaan ng 53 Kongresista mula sa Mindanao, tatlong kinatawan at Partylist at isang mambabatas naman mula sa Visayas.
“We signed the manifesto as one voice, one nation, rejecting all calls for the secession of Mindanao. We will not be a party to an unconstitutional proposal to break the territorial integrity of the Philippines. We make our intentions known, as Mindanao lawmakers,” saad ni Lanao del Norte 1st District Rep. Mohamad Khalid Dimaporo, Chairman ng House Committee on Muslim Affairs.
Magugunita na nanawagan si Duterte at dating House Speaker Pantaleon Alvarez ( Davao del Norte)para sa independienteng Mindanao na umani ng kaliwa’t kanang kritisismo mula sa iba’t ibang sektor.
Kabilang sa tatlong kinatawan ng Partylist na lumagda sa manifesto ay sina Kabayan Rep. Ron Salo, PBA Rep. Margarita “Migs” Nograles at Kusug Tausug Rep. Shernee Tan-Tambut at iba pa.
Inihayag ng mga mambabatas ang kritikal na papel ng Mindanao sa pambansang ekonomiya at binigyang pagkilala ang mga hakbangin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong “ Marcos Jr. na iprayoridad ang pagsulong ng kaunlaran sa rehiyon.
- Latest