^

Police Metro

55% ng Pinoy pabor sa ICC drug war probe - survey

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Karamihang Pinoy ang pabor na magsagawa ng imbestigasyon ang International Criminal Court (ICC) hinggil sa usapin ng war on drugs ni da­ting Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa isinagawang survey ng OCTA Research noong Disyembre 2023, naniniwala ang nasa 55 porsiyento ng mga Pinoy ang nais na lumahok ang Pilipinas sa ICC upang maisagawa ang imbestigasyon sa drug war ni Duterte habang nasa 45 porsiyento naman ang hindi pabor.

Lumilitaw sa record ng OCTA, na 65 porsiyento ang Balance Luzon, 52 porsiyento sa Metro Manila, 50 percent sa Visayas, habang 42 porsiyento sa Mindanao.

Gayunman, nakuha naman ng Mindanao ang mataas na porsiyento na 58 kung saan tutol ang mga Filipino na lumahok sa imbestigasyon ng ICC habang  35 percent lamang ang  Balance Luzon.

Ipinakita rin sa survey na 67 porsiyento ng mga nasa 75-anyos pataas ang pabor habang hindi naman pabor ang 50 porsiyento na nasa edad 35-45.

Dagdag pa ng OCTA na suportado rin ng mga nanini­rahan sa mga lala­wigan at probinsiya ang imbestigasyon ng ICC na nakakuha ng 57 percent kumpara sa nakuhang  porsiyento ng  mga taga-Metro Manila na 54.

Isinagawa ang Fourth Quarter 2023 Tugon ng Masa sa 1,200 adult res­pondents nationwide.

vuukle comment

DRUG WAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with