^

Police Metro

Ginang, binaril sa ulo sa harap ng 2 anak, suspek sumuko

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 43-anyos na ginang habang papasakay sa kaniyang kotse, kasama ang dalawang anak na kapwa menor-de-edad sa Parañaque City, gabi ng Pebrero 15.

Naisugod pa sa Olivarez Hospital ang biktimang si alyas “Yolanda” subalit idineklarang dead-on-arrival.

Sa ulat, naganap ang pamamaril pasado alas- 6:00 ng gabi sa tapat ng isang coffee shop sa Gatchalian, Barangay San Dionisio, Parañaque City.

Batay sa CCTV footage, binubuksan pa lang ng biktima ang kaniyang sasakyan sa driver’s seat para sumakay nang biglang sumulpot sa likuran ang isang lalaki at ilang ulit siyang pinaputukan sa ulo.

Nasaksihan naman ng dalawang anak ang nangyari na nag-iiyak dahil sa pagkabigla nang makitang duguang bumulagta ang kanilang ina.

Itinuturong responsable sa krimen ang isang dating Philippine Army (PA) reservist na si alyas “Cafgu”, 40-anyos.

Kusa namang sumuko sa Police Station 4 ng Parañaque Police si alyas Cafgu upang linisin umano ang kaniyang pangalan.

Bago ang insidente, may mga death threat na natanggap ang biktima mula umano sa suspek at may isang alyas “Winnie” ang sinampahan niya ng kasong paglabag sa Republic Act 9262 (Violence Against Women and Children Act) .

vuukle comment

KRIMEN

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with