Babaeng streetsweeper tinodas sa kalsada
MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang babaeng streetsweeper nang paulanan ng bala ng hindi pa tukoy na gunman, sa tapat ng isang convenience store sa Taguig City, kahapon ng umaga.
Kinilala ang nasawi sa alyas na “Jonna”, 39-anyos, may live-in partner, residente ng lungsod.
Sa ulat ng pulisya, alas-6:45 ng umaga ay nagwawalis ang biktima sa tapat ng isang convenience store sa Floraville kanto ng Magnolia Sts., Barangay Rizal, Taguig City nang ito ay lapitan ng suspek at pagbabarilin.
Inaalam pa ng pulisya ang motibo ng pagpatay at sino ang responsable sa krimen.
- Latest