^

Police Metro

Bomb threat e-mail ng Japanese lawyer, transnational crime - PNP

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang transnational crime ang bomb threat na kamakailan ay ipinakalat ng nagpakilalang Japanese lawyer na si Takahiro Karasawa sa ilang government agencies at paaralan sa bansa.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Public Information Office Chief, PCol. Jean Fajardo, lumilitaw na maliban sa Pilipinas, nagpakalat din ng katulad na bomb threat ang gumagamit ng pangalan ni Karasawa sa Japan, South Korea at Taiwan.

Aminado si Fajardo na malaking hamon para sa kanila na matukoy ang nasa likod ng pagpapakalat ng bomb threat e-mail.

Aniya, puspusan ang ginagawang pakikipag-ugnayan ng Anti-Cybercrime Group (ACG) sa kanilang foreign counterpart upang matunton ang responsable sa mga bomb threats.

Batay sa kanilang pakikipagpulong sa Department of Information and Communications Technology (DICT) kasama ang iba pang law enforcement agencies, lumalabas na totoong tao si Karasawa,subalit na-hack ang kaniyang e-mail na siya ngayong ginagamit para maghasik ng takot.

Magugunitang nito lamang Martes nang bulabugin ng naturang bomb threat e-mail ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.

vuukle comment

BOMB THREAT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with