CALAX maniningil na ng toll sa Silang Interchange umpisa ngayon
MANILA, Philippines — Simula ngayong araw (Pebrero 10) ay maniningil ng toll ang concessionaire na nangangasiwa sa Cavite-Laguna Expressway (CALAX) sa mga motorista na dumaraan sa subsection matapos halos tatlong buwang libreng pagdaan sa Silang (Aguinaldo) Interchange.
Sa abiso nitong Huwebes, inihayag ng CALAX operator MPCALA Holdings Inc. na simula alas-12:01 ng madaling araw sa February 10, mangongolekta ito ng updated toll rates.
Ang mga sumusunod ay ang initial base toll rate base sa Toll Regulatory Board: Class 1 P17.00; Class 2 P35.00; Class 3 P52.00
Ayon sa TRB, hindi naman mababago ang toll fees para sa iba pang CALAX subsection.
Nagbukas ang Silang, Aguinaldo Interchange noong November 8 na nagbigay daan sa mga motorista na makapunta sa Tagaytay nang mabilis.
Ayon sa MPCALA Holdings Inc., ang concessionaire ng CALAX, nasa 12,000 na mga sasakyan ang dumadaan sa Silang, Aguinaldo Interchange araw-araw na doble pa sa projected na 5,000 mga sasakyan.
Ang Silang subsection ng CALAX ang ikalima sa walong segments ng 45-kilometer (km) toll road. Saklaw nito ang 3.9 kilometers na may 2×2 lane expressway mula Silang East Interchange hanggang Aguinaldo Highway sa Cavite.
- Latest