Nagugutom na pamilyang Pinoy, tumaas - Survey
MANILA, Philippines — Tumaas ang bilang ng mga pamilyang Pinoy na nagugutom makaraang makapagtala ito ng 12.6 percent, batay sa latest survey ng Social Weather Stations (SWS).
Ang naturang percentage ng involuntary hunger rate noong Disyembre ay mas mataas sa 9.8 percent noong September 2023.
Sa nakalipas na tatlong buwan, iniulat ng SWS na ang insidente ng pagkagutom ay umakyat ng 5.3 puntos sa Mindanao, 4.0 puntos sa Balance Luzon, at 2.6 puntos sa Visayas samantalang 4.6 puntos sa Metro Manila.
Ang Total Hunger rate ay tumaaas naman sa mga Self-Rated Poor participants na mula 7.7 percent noong Setyembre 2023 ay naging 20.1 percent noong nagdaang December 2023.
Ang Total hunger rate naman sa Non-Poor ay bumaba sa 5.9 percent noong December 2023 mula sa 10.4 percent noong September 2023.
Ang survey ay ginawa noong nagdaang December 2023 sa face- to-face interview sa 1,200 adult Filipino.
Ang sampling error margins ng survey ay nasa ±2.8 percent para sa national percentages, ±5.7 percent bawat isa para sa Kalakhang Maynila, Balance Luzon, Visayas, at Mindanao.
- Latest