^

Police Metro

Sasakyan salpok: mag-ina tepok

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kapwa nasawi ang mag-ina nang ang kanilang sinasakyan ay sumalpok sa gate ng isang bahay sa Brgy.San Roque, Marikina City, kamakalawa ng gabi.

Ayon sa isang staff ng barangay,pasado alas-6:00 ng gabi nang mangyari ang aksidente sa kahabaan ng kalye sa nasabing barangay.

Hindi na nagbigay ang nasabing staff ng iba pang detalye kabilang ang pagkaka­kilanlan ng mga nasawi dahil na rin sa hiling ng nagdadalamhating pamilya.

Batay naman sa ulat ng ABS-CBN na ang ina ay isang 74-anyos at kanyang anak na babae ay 42-anyos.

Lumalabas sa ulat na sakay ang mag-ina ng kanilang sasakyan nang sumalpok sa gate ng isang bahay sa nasabing kalsada.

Dinala ng mga rescuers ang mag-ina sa ospital,subalit idineklarang dead on arrival.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa dahilan nang pagsalpok ng sasakyan.

vuukle comment

AKSIDENTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with