^

Police Metro

Van bumangga sa puno: 6 dedo

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Anim na miyembro ng isang pamilya ang nasawi habang 11 ang nasugatan nang ang kanilang sinasakyang van ay sumalpok sa isang puno sa gilid ng highway sa kahabaan ng Governor’s Drive, Brgy. Sabang, Naic, Cavite, kahapon ng madaling araw.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Jether Tatel Ayuban, 27, driver ng van; Jamie Alibanto Vasquez; Ralph Noel Almoguera Vasquez; Norilie Brocales Vasquez; Lea Alibanto Vasquez; at Geronimo Canaway Dela Cruz.

Ilan sa mga nasugatan na dinala sa ospital ay kinilalang sina Bernardo Taño; Ariel Rivera; Pante Bry Precillano; Noel Vasquez; Jamin Vasquez; Fernando Rañon; Sanito Brocales; at  Jackie Vasquez, pawang magkakamag-anak.

Sa imbestigasyon ni P/Corporal Robinson Tercia, bago naganap ang aksidente, alas-4:30 ng madaling araw ay sakay ang mga biktima ng L300 van (Y2J856) na minamaneho ni Ayuban mula sa pagbabakasyon nitong Pasko at Bagong Taon sa Bicol at pauwi na sa bahay sa Cubao, Quezon City.

Dumaan lang ito sa isang lugar sa Naic dahil sa may ibinabang pasahero at habang binabagtas ang Governor’s Drive ay nakaidlip umano ang driver at hindi na nakapagpreno kaya’t sumalpok ito sa malaking puno sa gilid ng highway na kung saan ay tila nayuping parang lata ang van kaya’t naipit ang mga pasahero.

vuukle comment

AKSIDENTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with