Marcos idineklarang holiday ang pagdaraos ng Traslacion
MANILA, Philippines — Upang bigyang-daan ang pagdaraos ng Pista ng Itim na Nazareno ay idineklara ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang Enero 9, bilang special non-working day sa Lungsod ng Maynila.
Ayon sa Pangulo, nararapat lamang na ang mga mamamayan ng Lungsod ng Maynila ay mabigyan ng buong pagkakataon na lumahok sa okasyon at tamasahin ang pagdiriwang.
“It is but fitting and proper that the people of the City of Manila be given full opportunity to participate in the occasion and enjoy the celebration,” nakasaad sa Proclamation No. 434 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas P. Bersamin nitong Enero 4.
- Latest