Pamimigay ng P10K at grocery items mula OVP, ‘fake news’
MANILA, Philippines — Dahil sa kumakalat sa social media na pamamahagi ng P10,000 cash at mga grocery items mula umano sa Office of the Vice President, nilinaw kahapon ng nasabing tanggapan na ito ay “fake news”.
“Babala. Ipinapaalam ng Office of the Vice President sa publiko na ang social media promo na ito ay panloloko o scam,” nakasaad sa post ng OVP sa kanilang opisyal na Facebook page.
Ibinahagi rin ni Vice President Sara Duterte ang naturang post sa kaniyang sariling Facebook page.
“Hindi ito programa ni Vice President Sara Duterte o ng OVP. Kung kayo ay may impormasyon hinggil dito, ipagbigay alam agad sa mga pulis,” ayon pa sa post ng OVP.
Hindi naman nilinaw ng OVP kung saan nagmula ang naturang post ng pamimigay ng pera at grocery items.
Nabatid na gumamit pa ang nag-post ng litrato ni Duterte na may deskripsyon kung paano sumali sa naturang pamumudmod ng pera.
“Groceries at 10K Cash Pamaskong Hatid ng Ating Vice President Inday Sarah Duterte. Magpalista na sa mga Link,” ayon sa fake news na post.
- Latest