Marcos pipirmahan ngayong Linggo ang 2024 national budget
MANILA, Philippines — Nakatakdang pirmahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. upang maging ganap na batas ngayong linggo ang P5.76-trillion 2024 national budget.
“It’s ready for [signing], I think, [on] Wednesday. Wednesday na ata ‘yung signing po,” ayon kay Speaker Martin Romualdez sa mga mamamahayag sa Tokyo, kahapon.
Idinagdag pa nito na nais sana ni Pangulong Marcos na lagdaan ang national budget upang maging ganap na batas bago pa lumipad patungong Japan.
Nilinaw naman ni Romualdez na nananatiling mayroong ilang printing requirements ang kailangan bago pa lagdaan ng Pangulo ang national outlay document.
- Latest