^

Police Metro

Police Colonel na nagpaputok sa bar sinibak sa serbisyo

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Matapos na pagtibayin ni Interior and Local Go­vernment Secretary Benhur Abalos ang dismissal order ng Quezon City People’s Law Enforcement Board (QC PLEB) bunsod ng kasong kinasangkutan ni PLt.Col. Mark Julio Abong sa hit and run na ikinasawi ng tricycle dri­ver na si Joel Laroa noong Agosto, 2022 ay tuluyan na itong sinibak sa serbisyo matapos na muling masangkot sa pananakit ng waiter at nagpaputok ng baril sa isang restobar sa Quezon City.

Magugunita na una na ring inatasan ni Abalos si Philippine National Police (PNP) chief Gen. Benjamin Acorda, Jr., na maglabas ng dismissal order laban kay Abong na “kalawang” sa PNP.

Marso 2023 nang sibakin si Abong ng People’s Law Enforcement Board (PLEB) matapos na mapatunayang nagkasala ng “grave offenses of misconduct, grave neglect of duty, at conduct of unbecoming a police officer”.

Tinangka pa ni Abong na itago ang tunay na  pang­yayari si pananagasa kay Laroa.

Ayon kay Abalos, wala silang nakikitang matibay na dahilan upang hindi ipatupad ang dismissal order laban kay Abong na napatunayang guilty sa patung-patong na kaso.

Nasundan pa ito ng pananakit, pang-aabuso at pagpapaputok sa Ralyoz Drinkery Lounge sa Sct. Rallos St. noong Linggo ng madaling araw.

Ayon naman kay Quezon City Police District (QCPD) Director PBGen. Redrico Maranan, 2019 pa nag-expired ang lisensiya ng baril na ginamit ni Abong sa pagpapaputok sa bar.

Sa inilabas na resulta sa ballistic examination ng Forensic Group, positibong sa baril na Glock 40 ni Abong galing ang nakuhang dalawang basyo ng bala.

Kaya’t nadagdag ang kasong illegal possession of firearms sa mga kasong  kinakaharap nito na ille­gal discharge of firearm, alarm and scandal, paglabag sa Omnibus Election Code, physical injuries, at slander by deeds.

Dagdag pa ni Maranan, maituturing na ‘recidivist’ si Abong dahil sa mga paulit-ulit na pagkakasangkot sa kaso.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with