^

Police Metro

Eroplano Missing Sa Isabela

Victor Martin - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang Cyclone Aircraft ang iniulat na nawawala matapos mabigong makalapag sa Palanan airport sa lalawigang ito kahapon ng umaga.

 Ayon sa report, ang Cyclone PA32 aircraft, na may tail number na RP-C 1234, ay umalis sa Caua­yan Airport, alas-9:39 ng umaga, subalit hindi na ito nakarating  sa destinasyon.

Napag-alaman na sakay ng nasabing eroplano ang piloto na si Capt. Levy Abul II at isang pasahero nito.

Sa inilabas na report ng Civil Aviation Authority of the Philippines, nawala umano ang komunikasyon nila sa eroplano at hindi na rin makontak ang piloto.

Napag-alaman na ilang araw na rin na hindi ma­ganda ang panahon lalo na sa nasasakupan ng Sierra Madre dahil sa pag-ulan bunsod ng amihan.

Matatandaan na noong Enero 24 nitong taon nang mahulog ang Cessna 206 plane na may tail number RPC 1174, patungo sana sa bayan ng Maconacon, mula rin sa airport ng Caua­yan City na kung saan ay nasawi ang 6 na sakay nito nang matagpuan sa kagubatan ng Sierra Madre.

vuukle comment

AIRPORT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with