^

Police Metro

Tipster ng NPA, instant milyonaryo

Victor Martin - Pang-masa

MANILA, Philippines — Instant milyonaryo ang isang impormante matapos mapasakamay ang P1 milyon na halaga habang P3 milyon naman ang ibinigay sa 6 na dating mga rebelde sa bayan ng Flora, Apayao, kamakalawa ng umaga.

Ayon kay Army Captain Rigor Pamittan, pinuno ng 5th Infantry Division Public Affairs Office na nakabase sa Gamu, Isabela, personal na pinangunahan ni National Defense Secretary Teodoro “Gibo” Teodoro ang pagbibigay ng pabuya  sa impormante at 6 na iba pang mga dating rebelde kasabay ng programang Celebrating Oneness Progress and Unrelenting Nationalism (COPUN) na isinagawa sa nasabing bayan.

Maliban sa nag-iisang tipster na tumanggap ng P1 milyon dahil sa impormasyon na kanyang ipinagkaloob na nagresulta sa pagkamatay ng isang lider ng NPA at pagkasamsam ng 3 matataas na kalibre ng baril ay tumanggap din ang 6 na dating mga rebelde, na unang sumuko sa pamahalaan, ng P500,000.00 bawat isa.

Ayon sa ulat, ang nasabing pabuya ay batay na rin sa EO22 ng pamahalaang panlalawigan ng Apayao kung saan nakasaad dito ang pagbibigay ng P1 milyon na pabuya sa sinuman na makapagtuturo sa mga rebeldeng NPA na magreresulta sa pagkasawi man o pagkaaresto ng mga ito.

Naglaan din ang pamahalaan ng P500,000.00 para sa bawat susuko na mga rebelde para mahikayat ang mga ito na magbalik-loob sa pamahalaan.  

vuukle comment

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with