^

Police Metro

Pulis tinukoy ng 2 saksi na kasama ng missing beauty queen

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Pulis tinukoy ng 2 saksi na kasama ng missing beauty queen
Catherine Camilon in this photo posted on her Instagram on Jan. 7, 2023
catherine_camilon/Instagram

Nakitang duguan sa sasakyan

MANILA, Philippines — Positibong tinukoy ng dalawang saksi ang pulis na isa sa person of interest ang kasama nang mawala ang beauty queen na si Catherine Camilon na nakita rin nilang duguan sa loob ng isang sasakyan sa Batangas.

Ayon kay Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director Police Major General Romeo Caramat, Jr., Martes nang personal na magtungo sa kanilang tanggapan ang dalawang saksi at nagbigay ng testimonya na umano’y nakakita sa pulis na person of interest  kasama ang duguang si Camilon.

Mula sa photo gallery ay tinukoy ng dalawang saksi ang nasabing police officer na kasama ni Camilon.

Batay sa salaysay ng mga saksi, nakita nila ang pulis sa isang subdivision noong gabi na mismong nawala si Camilon na duguan at inililipat ng ibang sasakyan mula sa sasakyan nito.

Sinabi ng dalawang saksi na nasa tatlong katao pa ang kasama ng pulis bukod pa sa personal driver nito na kung saan ay tinutukan din sila ng baril ng mga kasamahan.

Kinumpirma ng CIDG na may re­lasyon si Camilon at ang pulis na POI at posibleng selos umano ang dahilan ng pagkawala ng una. Patuloy pa rin ang pangangalap ng ebidensiya ng CIDG.

vuukle comment

CIDG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with