^

Police Metro

Multa sa lalabag sa EDSA bus lane aabot sa P30K

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ipatutupad na ng Metro Manila Development Authority (MMDA) simula sa Lunes (Nov. 13, 2023) ang mas mabigat na parusa sa mga iligal na daraan sa EDSA bus lane.

Sabi ni MMDA Acting Chairman Atty. Romando Artes, ang penalty ay: 1st offense P5,000; 2nd offense P10,000 at 1month license suspension, seminar; 3rd offense P20,000 1 year license suspension; 4th offense P30,000 at revocation ng lisensya.

“Inaabisuhan ko po ang ating mga kababayan na huwag na po tayong gumamit kung hindi tayo otorisado sa bus lane,” ani Atty. Romando Artes, Acting MMDA Chairman.

Ang mga tumatakbo o hindi tumitigil na sasak­yan na hinuhuli ay titiketan pa rin at irereport sa LTO.

Ang penalty ay ipapataw sa may-ari ng sasak­yan ng iligal na dumaan sa bus lane.

Paliwanag ni Artes, ginagawa nila ito para sa kaligtasan ng lahat at para hindi na maabala ang mas maraming commuter na sumasakay ng bus.

Hindi rin anya anti-poor ang kanilang polisiya dahil hindi naman sila matitiketan kung hindi papasok sa EDSA bus lane.

vuukle comment

EDSA BUS LANE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with