Wanted na carnapper timbog sa Caloocan
MANILA, Philippines — Nabitag ng mga operatiba ng pulisya ang isang wanted sa kaso ng carnapping sa isinagawang manhunt operation sa lungsod ng Caloocan kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni Caloocan Police Chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong akusado sa alyas na”John”, 23-anyos at residente ng Brgy., 178, Camarin ng nasabing siyudad.
Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) director P/Brig. Gen. Rizalito Gapas, sinabi ni Lacuesta na nakatanggap ng impormasyon ang Intelligence Section (IS) ng Caloocan City Police na naispatan ang nasabing wanted sa kanilang lugar.
Ayon sa opisyal, katuwang ang 4th MFC-RMFB NCRPO at Northern NCR Maritime Police ay kaagad na nagsagawa ng joint manhunt operation ang IS sa pangunguna ni P/Cpt. Ronald Allan Soriano na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado dakong alas-3 ng hapon sa kahabaan ng Repar St., Brgy.,178, Camarin.
Hindi na nakapalag ang suspect matapos itong makorner ng mga pulis sa nasabing lugar .
Sinabi ni Soriano, ang akusado ay dinakip nila sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Rodulfo Azucena ng Regional Trial Court Branch 125, Caloocan City noong August 18, 2023 para sa paglabag sa R.A. 10883 (New-Anti-Carnapping Act of 2016).
- Latest