^

Police Metro

PUV modernization giit suspendihin

Gemma Garcia - Pang-masa
PUV modernization giit suspendihin
A barker wears a signage showing the new jeepney fare at a terminal in Baguio City on October 10, 2023.
Andy Zapata Jr., file

Dahil sa isyu ng korapsyon

MANILA, Philippines — Sa gitna ng mga isyu ng alegasyon ay pi­nasususpinde ni Senador Grace Poe sa Department of Transportation (Dotr) ang implementasyon ng PUV Modernization Program (PUVMP).

Ayon kay Poe, nais niya na gawing moderno ang public utility vehicles (PUVs) subalit dapat umano­ ito ay progreso, ma­tuwid at makatao.

Nakakalungkot umano na hindi na makausad nang maayos ang PUVMP dahil sa iba’t ibang isyu at nabahiran pa ito ng korapsyon.

Kung sakaling totoo  umano ang mga alegasyon ay hindi ito makatarungan sa mga driver na nawalan ng kabuhayan dahil pinaboran pala ang mga naglalagay.

Dahil dito kaya dapat managot ang mga nagkakamaling opisyal dahil sa umano’y pagnanakaw sa kritikal na programa sa sektor ng transportasyon.

Umaasa naman si Poe na habang iniimbestigahan ang mga sangkot sa nasabing alegasyon ay inaayos din ang modernization program na magpapabuti sa kabuhayan ng mga drayber at magbibigay ng maayos na serbisyo sa mga commuter.

Ang panawagan ni Poe ay ginawa sa gitna ng umanoy anomalya sa Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) na ibinunyag ni Jeff Tumbado na dating head executive assistant ni LTFRB chairman Teofilo Guadiz III.

vuukle comment

GRACE POE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with