450 preso ng NBP inilipat sa Iwahig
MANILA, Philippines — Umabot na sa mahigit 1,500 “persons deprived of liberty” (PDLs) mula sa New Bilibid Prison (NBP) at Correctional Institute for Women (CIW) ang nasa Iwahig Prison and Penal Farm sa Puerto Princesa, Palawan matapos na mailipat doon ang karagdagang 450 PDLs at maging sa Sablayan Prison and Penal Farm sa Occidental Mindoro.
Sinabi ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Catapang Jr., kasama ng mga PDL ang 150 jailguards na sumakay sa isang commercial vessel at inaasahang darating ng Palawan ngayong Linggo ng hapon.
Kabilang sa mga PDLs ay ang 396 inmates ng medium-security compound ng NBP, apat mula sa maximum security compound, at 50 mula sa CIW.
Sinabi ni Catapang na ang “Oplan Lipatan” ay hindi lang masosolusyunan ang problema sa sikip ng mga bilangguan, ngunit nailalayo rin sila sa mga iligal na aktibidad sa loob ng mga nabanggit na kulungan.
Bahagi rin ito ng plano na isarado na ang NBP at CIW. May plano ang gobyerno na gawing isang commercial hub ang 357-ektaryang lupain ng NBP na tatawaging BuCor Global City and government center
- Latest