Duty-Free handa na sa darating na Kapaskuhan

MANILA, Philippines — Handa na sa darating na Kapaskuhan,ang state owned Duty-Free Philippines Corporation (DFPC) nang palakihin ang Toys Section sa downtown Fiestamall store sa Parañaque City.

Ang mas pinalaking Toys Section ay nagtatampok ng mas marami, kakaiba at kapana-panabik na uri ng mga panregalo na tiyak namang magdudulot ng nakakatuwa at hassle-free shopping experience para sa mga customers.

Ang DFPC ay may mga bagong brand at mas pina­lawig na inventory kung saan matatagpuan ang maraming klase ng dolls, action figures, cars, playsets, games, at maging educational toys, na angkop para sa lahat ng edad, mula sa pinakabata hanggang sa mga young at heart.

Binibigyang pagpapahalaga ng DFPC ang pagbibigay sa kanilang merkado nang hindi malilimutan at stress-free holiday shopping experience sa pamamagitan ng komportable at maluwag na shopping environment para sa tourists, balikba­yans, pati na ng kanilang pamilya na matuklasan at madiskubre ang tamang regalo nang sama-sama. Bilang pangunahing travel retailer ng bansa, ang DFPC ay nakatutok sa pagbibigay ng pinakamahusay na destinasyon kung saan matatagpuan ang pinakamagandang pasalubong at regalo sa kanilang mahal sa buhay.

Bisitahin ang Duty Free Philippines ngayon at maranasan at mabighani ang napakasayang holiday shopping season. Para sa iba pang detalye, bisitahin ang www.dfp.com.ph o i-follow ang @dutyfreephils sa social media.

Show comments