^

Police Metro

Ex-Marikina Rep. Bayani Fernando pumanaw na

Mer Layson - Pang-masa
Ex-Marikina Rep. Bayani Fernando pumanaw na
Bayani Fernando
STAR / File

Nahulog sa bubong ng bahay…

MANILA, Philippines — Namatay na si dating Marikina Representative Bayani Fernando, 77, ma­tapos na aksidenteng mahulog sa bubong ng kanyang bahay sa Marikina City, kahapon.

Mismong ang maybahay ni Fernando na si da­ting Mayor Maria Lourdes Fernando ang nagkumpirma ng malungkot na balita.

Batay sa sketchy report, sinasabing may kinukumpuni si Fernando sa bubong ng bahay sa Monte Vista Subdivision, Brgy. Industrial Valley Complex, Marikina nang aksidente itong mahulog.

Naisugod pa si Fernando sa Quirino Memorial Hospital ng mga personnel ng Rescue 161 Marikina ngunit binawian din ng buhay dakong alas-12:36 ng tanghali.

Si Fernando ay nagsilbi bilang alkalde ng lungsod ng tatlong termino mula 1992 hanggang 2001.

Matapos ito, naging chairman siya ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) mula 2002 hanggang 2009.

Nagpaabot naman ng pakikidalamhati ang Marikina City government sa pagpanaw ni Fernando, sa pangunguna ni Marikina Mayor Marcelino Teodoro.

vuukle comment

BAYANI FERNANDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with