^

Police Metro

36 estudyante naospital sa usok ng taal  

Joy Cantos - Pang-masa
36 estudyante naospital sa usok ng taal   
Dahil dito, agad iniutos ng Batangas Provincial Di­saster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ang pagsuspinde sa klase sa iba’t ibang paaralan malapit sa nasabing bulkan.
The STAR/Michael Varcas

Klase malapit sa bulkan, sinuspinde

MANILA, Philippines —Nasa 36 mag-aaral ang isinugod sa pagamutan matapos na sumama ang kanilang pakiramdam at mahilo nang makalanghap ng volcanic smog o usok mula sa Taal volcano sa Batangas nitong Biyernes.

Dahil dito, agad iniutos ng Batangas Provincial Di­saster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ang pagsuspinde sa klase sa iba’t ibang paaralan malapit sa nasabing bulkan.

Sa ulat ng Batangas PDRRMO, bago magtanghali nitong Biyernes, isinugod sa Rural Health Unit (RHU) ang 36 estud­yante mula sa Bayorbor National High School at Ba­yorbor Senior High School sa Mataas na Kahoy  ng lalawigan.

Ang mga biktima ay nakaranas ng paninikip ng dibdib, nahirapang hu­minga at nahilo dahil sa volcanic smog. Ilan sa kanila ay dumanas din ng pananakit ng sikmura, panghihina at halos matumba matapos makalanghap ng volcanic smog na nagmumula sa Taal.

Ayon naman kay Mataas na Kahoy Vice Mayor Jay Ilagan, matapos na malapatan ng pangunahing lunas ay nagsiuwi na rin sa kanilang mga tahanan ang karamihan sa mga estudyante nitong Biyernes ng hapon hanggang nitong Sabado ng umaga. Aniya, may isa na lamang pasyente ang naiwan at nakaratay sa ospital.

Nabatid na simula noong Miyerkules ay nakatanggap na sila ng ulat na nagbubuga na ng volcanic smog ang bulkang Taal.

Sa kabila nito, sinabi ng Phivolcs na nananatili ang Mt. Taal sa alert level 1 na ibig sabihin ay posible ang potential steam o phreatic explosions, volcanic earthquakes, thin ashfalls, at pagbuga ng poisonous gas mula sa bunganga ng bulkan.

vuukle comment

TAAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with