^

Police Metro

‘Live selfie’ gamiting requirement sa SIM registration

Gemma Garcia - Pang-masa
�Live selfie� gamiting requirement sa SIM registration
A vendor sells sim cards along the sidewalk of Balintawak Public Market in Quezon City on September 15, 2022.
STAR / Jesse Bustos

MANILA, Philippines — “Gamiting requirement sa pagpaparehistro ng SIM ang live selfie.”

Ito ang inirekomenda ni Senate Committee on Public Services Chairman Senator Grace Po kasunod nang pamamayagpag pa rin ng mga scammers sa panloloko sa maraming mga Pilipino.

Kaya hiniling ni Poe sa National Telecommunications Commission (NTC) na maglabas ng mas pinatibay na implementing rules and regulations (IRR) sa SIM Registration Act kung saan isasama rito ang pagkuha ng sariling litrato.

Nais rin masiguro ng senadora na may sapat na proteksyon sa IRR ang mga subscribers laban sa paglabag sa privacy. Pinakikilos din ng mambabatas ang mga telecommunications companies na gumawa ng paraan para makasunod din sa selfie requirement ang mga subscribers na mula pa sa malalayong lugar lalo na iyong mga walang access sa internet. 

Matatandaang sa pagdinig ng Senado ay ibinunyag ng NBI-Cybercrime Division na nagawa nilang mag-register ng SIM gamit ang fake ID na may larawan ng isang nakangiting unggoy at nadiskubre rin na ang mga libu-libong SIM cards na nakumpiska sa ilang mga POGO ay pawang pre-registered at naglalaman ng e-wallet na ginagamit sa pang-i-scam.

vuukle comment

SIM CARD REGISTRATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with