Minibus nahulog sa palaisdaan: 10 sugatan

Sa imbestigasyon, bago naganap ang aksidente, alas-3:00 ng hapon ay bumabagtas ang pampasaherong mini bus (DXR-117) na minamaneho ni Nestor Tampos, 60, sa tulay ng Callero, sakop ng Brgy. San Rafael IV, Noveleta patungo sa Cavite City nang bigla umanong magloko ang makina nito at mawalan ng kontrol.
Graphic by Philstar/John Villamayor

MANILA, Philippines — Nasugatan ang 10 katao kabilang ang driver ng minibus na nahulog sa palaisdaan, kamakalawa sa kahabaan ng Callero Bridge, Brgy. San Rafael IV, Noveleta, Cavite.

Sa imbestigasyon, bago naganap ang aksidente, alas-3:00 ng hapon ay bumabagtas ang pampasaherong mini bus (DXR-117) na minamaneho ni Nestor Tampos, 60, sa tulay ng Callero, sakop ng Brgy. San Rafael IV, Noveleta patungo sa Cavite City nang bigla umanong magloko ang makina nito at mawalan ng kontrol.

Nagpaekis-ekis ang takbo ng nasabing bus hanggang sa sumalpok sa steel barriers at tuluyang nahulog sa fishpond.

Umabot ng mahigit 1 oras ang isinagawang rescue operation bago naiahon ang mga sugatang pasahero gayundin­ ang driver na naipit sa kinauupuan nito.

Show comments