^

Police Metro

Pagkupkop sa Afghan refugees, komplikado - Marcos

Malou Escudero - Pang-masa
Pagkupkop sa Afghan refugees, komplikado - Marcos
People evacuated from Kabul Afghanistan wait to board a bus that will take them to a refugee processing center at the Dulles International Airport on August 25, 2021 in Dulles, Virginia.
Anna Moneymaker / Getty Images / AFP

MANILA, Philippines — Kumplikado ang sitwasyon kaugnay sa posibleng pagkupkop ng Pilipinas sa mga refugee mula sa Afghanistan kaya pinag-aaralan pa ito ng gobyerno.

Ito ang pag-amin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. dahil may halong seguridad at pulitika.

“Ibang usapan to kasi may halong politika may halong security. So medyo mas kumplikado ito…We’ll look at it very very well bago gumawa ng desisyon,” ani Marcos.

Kabilang aniya sa mga ikinokonsidera ang mga isyu na maaaring lumitaw sakaling magpasya ang bansa na tanggapin ang mga Afghan refugee.

Sinabi rin ni Marcos na wala naman silang deadline sa pagpapalabas ng desisyon.

Patuloy din aniya ang ginagawang konsultasyon sa mga kaibigan ng gobyerno sa United States.

Binanggit din ni Marcos ang mga nakaraang pangyayari kung saan tinanggap ng Pilipinas ang mga refugees na tinatanggihan ng ibang bansa.

Noong nakaraang buwan, sinabi ni Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez na unang hiniling ng US government sa Pilipinas na pansa­mantalang tanggapin ang mga refugee na tumatakas mula sa Afghanistan na pinamumunuan ng Taliban noong Oktubre 2022.

Sinabi niya na ang kahilingan ay para lamang sa pagpoproseso mga espesyal na visa sa imigrasyon para sa mga Afghan at kanilang mga pamilya na dating nagtrabaho para sa gobyerno ng US at ang buhay ay nasa panganib.

vuukle comment

AFGHAN REFUGEES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with