^

Police Metro

Consumers, pinag-iingat sa pekeng elastomeric sealants sa online shops

Pang-masa

MANILA, Philippines — Umapela ang isang adhesives manufacturer sa mga konsyumer na mag-ingat sa mga produktong mabibili online nang ma­diskubre ng kompanya na unti-unti nang nakakapasok ang pekeng elastome­ric sealants sa ilang popular na e-commerce shop.

Ito ang ibinunyagng Bostik Philippines Inc., ang maker ng Super Vulcaseal Elastomeric Sealant na pinakakilalang elastomeric sealants sa merkado, matapos itong makatanggap ng tips tungkol sa mga ibinebentang pekeng produkto online na dala-dala ang brands nito.

“Nagsagawa kami ng mga test buy sa iba’t ibang mga seller sa mga kilalang e-commerce website at app at nalaman namin na peke ang ilan sa mga nabili naming produkto na gamit ang aming mga brand at trademark.

Patuloy kaming nanga­ngalap ng ebidensya na ibibigay namin sa mga otoridad para matulungan nila kami sa aming kampanya laban sa mga counterfeit Bostik product,” anang kompanya.

Ayon sa Bostik, nakikipag-ugnayan na ito sa mga kinatawan ng nasabing e-commerce sites upang makapangalap ng mga ebidensiya laban sa mga seller na nagbebenta ng counterfeit products.

Noong nakaraang taon, sinalakay ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation ang apat na bodega sa Caloocan City na naglalaman ng counterfeit Bostik products na nagkakahalaga ng milyon-milyong piso.

 

 

Kung may mga litrato o impormasyon ang publiko tungkol sa counterfeit Bostik products, maaaring makipag-ugnayan sa Bostik sa (02) 7900-5656 o kaya’y mag-email sa [email protected].

vuukle comment

E-COMMERCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with