Kelot na inakusahang holdaper, itinumba sa palengke

MANILA, Philippines — Dead on the spot ang isang lalaki na inakusa­hang holdaper nang ba­rilin ng gunman sa loob ng isang palengke sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si Kenneth Egpan habang nakatakas naman at tinutugis na ang suspek na nakilalang si Ansayo Amino.

Batay sa sketchy report ng Batasan Police Station 6 (PS 6) ng Quezon City Police District (QCPD), alas-7:00 ng gabi nang maganap ang krimen sa loob mismo ng adminis­tration office ng Commonwealth Public Market sa Commonwealth, Quezon City.

Nauna rito, inakusahan umano si Egpan nang panghoholdap kaya’t pi­nigil siya sa administration office ng public market habang hinihintay ang complainant laban sa kanya.

Gayunman, sa di pa malamang kadahilanan ay bigla na lang pumasok sa admin office ang suspek at kaagad na binaril ang biktima bago tumakas.

Show comments