Marcos tutok sa P3.48 trilyong investment pledges
MANILA, Philippines — Nakatutok si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mahigit na P3.48 trillion investment pledges para sa Maynila na na-secure sa kanyang foreign trips.
Hangad ng Pangulo na magma-materialize at makalilikha ng hanapbuhay “as soon as possible”.
Ayon kay Board of Investments (BOI) Executive Director for Investments Promotion Services Evariste Cagatan na mahigpit na naka-monitor ang Pangulo para makapagbigay ng tulong upang “fast-track” ang pagpasok ng mga investors sa bansa.
“Ang pangulo talagang binabantayan niya ‘yong pledges na ito na binigay sa kanya. So tinitingnan namin kung ano ‘yong mga balakid bakit hindi kaagad makapasok,” dagdag ni Cagatan.
Ang mga hamon aniya ay “range from securing permits to the need for vast tracts of land and hiring employees with the right set of skills for their businesses.”
“Most of these, for example, the US trip, marami nang pumasok at na-register na natin sa BOI at PEZA (Philippine Economic Zone Authority),” ayon kay Cagatan.
“But you must understand na ‘yong investment kapag ginawa ‘yong pledge ngayon, not necessarily bukas nandiyan na siya. Medyo mahaba ‘yong gestation,” dagdag na wika nito sabay sabing “while monitoring these pledges, the government also continues to attract local and foreign investors by positioning the country as an ideal destination to achieve their Environmental, Social and Governance (ESG) goals.”
- Latest