^

Police Metro

Higit P400 milyong shabu nasabat ng BOC sa pasay

Danilo Garcia - Pang-masa
Higit P400 milyong shabu nasabat ng BOC sa pasay
Nasabat ng mga miyembro ng Bureau of Customs (BOC) sa pakikipagtulungan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga zip lock bags ng umano’y shabu na may timbang na 58.93 kilograms na aabot sa P400,724,000 sa PAIR-PAGS Center Cargo Warehouse sa Pasay City.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang nasa mahigit P400 milyong halaga ng shabu nang madiskubre sa isang international cargo warehouse sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay City kamakalawa.

Sa isinagawang physical examination ng Customs exa­miner, matapos ang kahina-hinalang imahe na natukoy ng NAIA Customs X-Ray operatives, ay nagresulta sa pagkakatuklas ng presensiya ng 58.93 kilo ng shabu na may estimated street value na P400,724,000.

Si Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) Director Verne Enciso ang nagpaabot ng im­pormasyon kay Deputy Commissioner for Intelligence­ Group Juvymax Uy, na kasama si Customs Com­missioner Bienvenido Rubio ay personal na nag-inspeksiyon sa shipment na dumating mula sa Guinea, Africa.

Ang inisyal na pagsusuri sa mga pakete na isinagawa ng CIIS, Customs exa­miner, at mga BOC personnel ay nagresulta sa pagkadiskubre ng limang kahon na may lamang apat na pulley engines o kabuuang 20 engines. Nagkaroon naman ng hinala laban sa mga pakete matapos na magprisinta ang consignee ng dalawang balidong identification cards na nagpapakita ng magkaibang pangalan sa Pair Cargo Warehouse sa Pasay City.

Pinuri naman ni Rubio ang kanyang mga tauhan sa mahusay na trabaho ng mga ito at nangakong hindi sila titigil sa pagsusumikap na ma­pigilan at mapanagot sa batas ang sinumang indibidwal na magtatangkang magpuslit ng illegal na droga at iba pang kontrabando sa bansa.

Kasalukuyan nang iniimbestigahan ng PDEA ang consignee, na nakatakdang sumailalim sa inquest proceedings dahil sa paglabag sa Republic Act 9165, o The Comprehensive Dangerous­ Drugs Act of 2002, at RA 10863, o The Customs Mo­dernization Act (CMTA).

vuukle comment

BOC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with