^

Police Metro

Broadcaster, guilty sa kasong libel

Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang teleradyo broadcaster ang hinatulan ng Regional Trial Court (RTC) ng Cabanatuan City sa Branch 29 na “guilty beyond reasonable doubt” sa kasong libelo.

Kinilala ang hinatulan na broadcaster ng Channel TV 48 na si Philip Piccio na napatunayan ang mga mapanirang pahayag niya umano sa teleradyo laban kay Nueva Ecija 3rd district Rep. Rosanna V. Vergara noong Marso 2013.  Ang nasabing channel ay pinamumunuan ng Nueva Ecija provincial government.

Sa desisyon ng RTC na ang pahayag ni Piccio ay masyadong malisyoso at walang katotohanan laban kay Vergara.

Ayon kay Dean J.V. Bautista, ang private pro­se­cutor sa kasong kriminal, ang paghatol kay Piccio ay isa na ring testamento na ang mga husgado at sistemang pangkatarungan ay hindi papayagan ang ganitong krimen na maganap nang walang kaparusahan.

Bagaman pinagmumulta lamang ang parusa ni Piccio ay iginiit ni Bautista na hindi maaa­ring tumakbo sa anumang pampublikong posisyon ang broadcaster.

Sinabi ng abogado ni Vergara na maaari ring ipataw kay Piccio ang parusang ‘subsidiary imprisonment’ sakaling hindi niya magampanan ang kanyang parusang ‘fine’ para sa dalawa niyang libel convictions.

 

vuukle comment

LIBEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with