Lapid Bill kontra smuggling ng tabako - consumer group

MANILA, Philippines — Isang “anti-Filipino” ang panukalang batas ni Sen. Lito Lapid na isasama ang tabako sa “agri-smuggling law”.

Ito ang tinuran ng consumer group na Malayang Konsyumer kasabay ng panawagan kay Lapid na pagtuunan ang tunay na problema ng bansa partikular na sa pagkain.

Nabatid na ang panukalang Senate Bill (SB) 1812 ni Lapid ay nag­lalayong amyendahan ang Republic Act 10845 o ang Anti Agricultural Smuggling Act of 2016 upang isama ang tabako at ibang mga produktong tabako sa parehong kate­gorya ng bigas, asukal, gulay, at mahahalagang bilihin na may kaukulang proteksyon sa batas laban sa smuggling.

Ayon kay MK spokesperson Atty. Simoun Salinas na wala sa tiyempo ang panukala ni Lapid na dapat umanong pagtuunan ang pagpupuslit ng mga smuggler at kartel ng tone-toneladang produktong agrikultura.

Naniniwala ang MK na mas makikinabang laban sa naturang panukala ang mga multi-nasyunal at dayuhang kumpanya ng sigarilyo sa halip na ang mga mamamayang Pilipino na nagugutom ngayon dahil sa mahal ng pagkain dulot ng manipulasyon ng mga negosyante at sabwatan sa smuggling.

Show comments