Mayor Joy, nanguna sa ika-37 anibersaryo ng EDSA People Power
MANILA, Philippines — Pinangunahan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang flag-raising at wreath-laying ceremonies sa People Power Monument para sa pagdiriwang ng ika-37 anibersaryo ng People Power Revolution.
Kasama ni Mayor Belmonte si National Historical Commission of the Philippines Chairman Rene Escalante at Spirit of EDSA Foundation Commissioner Christopher Carrion gayundin ng mga kinatawan ng national at local government agencies, military, civic, at religious sectors sa nasabing pagtitipon.
Tampok sa simpleng seremonya ang pag-aalay ng bulakpak sa monumento na sinabayan ng sama-samang pag-awit ng “Isang Lahi” at “Magkaisa”.
Nagpakawala rin ng puting kalapati ang mga opisyal na dumalo sa okasyon.
Sa halos 30 minuto na itinakbo ng programa ay nagtapos ito sa pagsasaboy ng mga confetti sa lugar.
Ang selebrasyon sa EDSA 2023 ay may temang “Pagkakaisa Tungo sa Kapayapaan at Pagbangon”.
- Latest