^

Police Metro

Taas-presyo uli sa petrolyo, nakaamba

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dahil sa pagtaas ng demand sa langis matapos ang pagluluwag ng mga lockdown sa buong mundo, maaaring tumaas na naman ang presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa sa susunod na linggo.

Sa pagtaya ng ilang oil industry players, ang presyo ng gasolina ay ma­a­­aring magkaroon ng pinakama­laking pagtaas ng mula P1.30 hanggang P1.50 kada litro sa susunod na linggo.

Samantala, ang presyo naman ng diesel ay maa­aring tumaas ng mula P0.85 hanggang P1.15 kada litro habang ang presyo ng kerosene ay inaasahang tataas din ng mula P1.10 hanggang P1.50 kada litro.

Ayon kay Department­ of Energy (DOE) Assis­tant Director Rodela Ro­mero, dapat sana ay pababa na ang presyo ng petrolyo sa panahong ito dahil tapos na ang panahon ng kapaskuhan at nawala na ang demand.

Gayunman, mayroon aniyang mga factors na naging sanhi upang muling tumaas ang presyo ng la­ngis gaya na lang nang pagbubukas na ng ekono­miya ng China.

“Historically na itong panahon na ito, dapat pa­baba na dahil pagkatapos ng Pasko, nawala na ang (demand). Unfortunately, may ibang factors pa noong nakaraan kaya bumababa dahil sa zero COVID po­licy ng China. Pero kung ngayon, despite na may virus sila, nag-open up na ang economy nila so tumaas ang demand ng petroleum products,” paliwanag ni Romero sa panayam sa Te­leradyo.

Sa kabila naman ng sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng langis nitong nakalipas na tatlong linggo, duda si Jetti Petroleum President Leo Bellas na papalo ang presyo ng mga produktong petrolyo ng P80 kada litro bunsod na rin aniya ng “resistance”.

vuukle comment

OIL PRICE HIKE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with