Pinas kabilang na sa ‘VIP Club’ sa Southeast Asia
MANILA, Philippines — Inihayag ni Pangulong Bongbong Marcos, na ang partisipasyon ng bansa sa World Economic Forum (WEF) sa Davos, Switzerland ay nagsilbing platform para maipakita ang matatag na performance ng Pilipinas pagdating sa ekonomiya kaya’t kabilang na ito sa VIP Club ng mga bansa sa Southeast Asia.
Bukod sa Pilipinas ay kabilang din sa tinatawag na VIP Club ang Vietnam, Indonesia na siyang mayroong pinakamagandang ekonomiya sa Asya.
Sa nasabi ring forum ay nakilala ni Marcos ang ibang lider sa buong mundo gayundin ang mga dayuhang investors na nagpahayag na ng interes para e-explore ang oportunidad ng pagnenegosyo sa bansa.
Nagkaroon din umano ng oportunidad ang pangulo na makilala si WEF Founder at Chairman Emeritus Klaus Schwab.
Sinabi naman ng Presidential Communications Office (PCO) na pinag-usapan nina Schwab at Marcos ang partnership at collaboration para matulungan ang Pilipinas na magkaroon ng magandang buhay ang mga Filipino.
Maliban kay Schwab, nagkaroon din ng pagkakataon ang pangulo na makilala sina World Trade Organization (WTO) Director-General Ngozi Okonjo-Iweala, World Bank Managing Director for Operations Axel Van Trotsenburg, International Monetary Fund (IMF) Managing Director Kristalina Georgieva at dating United Kingdom Prime Minister Tony Blair.
Layon umano ng pagdalo sa pagpupulong ni Marcos ay hindi lang para bigyang diin ang bagong sitwasyon sa ekonomiya at mga konsepto na isinusulong sa bansa kundi para na rin matuto sa iba’t ibang world leader at maipakita ang pakikibahagi sa Asean bilang isa sa nangungunang ekonomiya sa Asya.
- Latest