^

Police Metro

Pinas nakapagtala ng 1,347 bagong HIV cases

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kasabay ng paggunita sa World AIDS Day kahapon ay iniulat ng Department of Health (DOH) na nakapagtala ang Pilipinas ng 1,347 bagong kaso ng HIV noong Setyembre.

Ito ay mas mataas ng 37% ang naturang bilang kumpara sa 981 kaso ng HIV na naitala sa parehong buwan noong 2021.

Sa datos ng HIV/AIDS & ART Registry of the Phi­lippines, nasa 1,293 (96%) ng mga bagong kaso ay mga lalaki habang 54 (4%) ay mga babae. Pito sa mga babae ang naiulat din na buntis nang matukoy ang kanilang kondisyon.

Tatlo sa mga kaso ay mas mababa pa sa 15 taong gulang; 418 (31%) ang nasa 15-24 taong gulang; 667 (50%) ang nasa 25-34 taong gulang; 229 (17%) ang nasa 35-49 taong gulang at 30 (2%) ang nasa 50 taon pataas.

Nangungunang dahilan ng pagkakaroon ng HIV ang hindi protektadong sexual contact, habang nasa mababang porsyen­to ang pagpapalitan sa in­fected na seringgilya, at da­lawang kaso ay mga bata na nakuha ang sakit sa kanilang ina.

Nasa 941 sa mga kaso ay mga lalaki na nakipag­ta­­lik sa kapwa lalaki, 260 ka­so ang pagtatalik sa lalaki at maging sa babae at 122 ang pagtatalik sa kabilang sex.

Higit sa kalahati ng mga bagong kaso o 746 ay mula sa Metro Manila at kalapit na rehiyon ng Calabarzon at Central Luzon.

Mula nang maiulat ang unang HIV infection sa bansa noong 1984, nasa 105,794 kumpirmadong kaso na nito ang naitatala ng HARP.

DOH

HIV

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with