Pangulong Marcos sa mga Pinoy: Maging ‘dutiful and law-abiding citizens’
Tularan si Andres Bonifacio…
MANILA, Philippines — Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa sambayanang Filipino na gayahin ang kabayanihan ni Andres Bonifacio sa pamamagitan ng pagiging “dutiful and law-abiding citizens.”
Ito ang naging mensahe ng Pangulo sa paggunita kahapon ng ika-159 kaarawan ni Bonifacio.
“The shackles that once held our forebears may no longer constrain us, but we must remain vigilant in protecting our country from social ills and other elements that threaten our liberties,” saad ni Marcos.
“I call on my fellow Filipinos to honor Bonifacio’s life of extraordinary selflessness by becoming dutiful and law-abiding citizens who will contribute towards a brighter and freer future for all Filipinos,” giit pa niya.
Binanggit ni Marcos na dahil sa mga ideya ni Bonifacio, ang ating mga ninuno ay nagkaroon ng lakas ng loob upang labanan ang mga mapang-aping banyaga na nagresulta sa ating kalayaan.
“Indeed, it was his deeds that provided the impetus for our collective liberation, which we are challenged to preserve and protect amidst these trying times,” wika ng Pangulo.
“His spirit lives on in the stories we tell and use to build on his legacy, breathing new life into his words with our sense of duty and patriotism.”
Pinangunahan ni Marcos ang wreath-laying ceremonies sa Andres Bonifacio National Monument sa Caloocan City nitong Miyerkules ng umaga.
Dumalo rin dito sina National Historical Commission of the Philippines (NHCP) Chairman Rene R. Escalante at Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Lieutenant General Bartolome Vicente Bacarro. - Doris Franche
- Latest