^

Police Metro

Voters registration planong muling buksan

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kung sakali umano na tuluyan nang maisapinal ang pagpapaliban sa Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) elections sa darating na Disyembre 5 ay plano muli ng Commission on Elections (Comelec) na buksan ang voters registration sa Nobyembre 2022.

Ang pahayag ay ginawa ni Comelec Chairman George Garcia matapos na aprubahan ng Senado at Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang ipag­paliban ang BSKE sa Disyembre 4, 2023.

Sinabi ni Garcia na sa pagtaya ng poll body, aabot pa sa pito hanggang siyam na milyong botante ang hindi pa nakakapagparehistro para sa BSKE elections.

Kabilang dito ang mga botante na may expired na o ang registration ay na-deactivate.

Ito rin umano ang dahilan kung bakit tataas ang gastusin kung sakaling maipagpaliban ang eleksiyon sa susunod na taon.

vuukle comment

COMELEC

VOTERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with