^

Police Metro

‘Karding’ napanatili ang lakas, magla-landfall sa Northern Luzon

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Iniulat kahapon ng Phi­lippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na napanatili ng bagyong Karding ang kanyang lakas habang kumikilos ito sa Philippine Sea.

Si Karding ay huling­ namataan kahapon sa layong­ 1,085 kilometro ng sila­ngan ng Northern Luzon at patuloy ang pagkilos pakan­luran sa bilis na 25 kilometro bawat oras. 

Taglay ni Karding ang lakas ng hangin na umaabot sa 65 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin na umaabot sa 80 kilometro bawat oras. 

Ngayong Sabado ng  gabi hanggang kinabusakan ng umaga ay makakaranas ng mahina hanggang sa katamtaman na minsa’y malakas na ulan sa buong Batanes, Cagayan at Isabela.

Ang nalalabing araw ng linggo hanggang sa Lunes ng umaga ay makakaranas ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan  sa buong  Cordillera Admi­nis­trative Region, Cagayan, Isabela, Ilocos Provinces at La Union. Mahina hang­gang sa katamtaman na minsay ma­lakas ang pag-ulan sa nor­thern portion ng Aurora at nala­labing bahagi ng Ilocos Region at Cagayan Valley.

Dahil maaapektuhan ni Karding ang habagat, paminsan-minsang pag-ulan ang mararanasan simula sa Linggo sa Southern Luzon at Visayas lalo na sa kanlurang bahagi nito.

Magiging katataman­ hanggang sa maalong kara­gatan ang mararanasan sa northern at western seaboards ng Northern Luzon ngayong Sabado at pa­tu­loy na magiging maalon ang karagatan sa Northern Luzon hanggang bukas, Linggo.

Inaasahang magla-land­­fall si Karding sa east coast ng Northern Luzon nga­yong linggo.

Inaasahang si Karding ay aabot sa tropical storm category oras na ito ay lumapit sa West Philippine Sea.

Ngayong Sabado si Kar­ding ay inaasahang nasa layong 685 kilometro ng silangan ng Tuguegarao City, Cagayan.

PAGASA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with