^

Police Metro

237 natepok sa rabies sa loob ng 8-buwan

Ludy Bermudo - Pang-masa
237 natepok sa rabies sa loob ng 8-buwan

MANILA, Philippines — Tumaas ang kaso ng rabies sa bansa matapos na makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 237 katao na nasawi dahil sa naturang virus mula ­Enero hanggang Agosto ng taong ito,

Ayon kay Public Health Service Team Officer-In-Charge-Undersecretary Dr. Beverly Ho sa isang panayam kahapon, sa naturang bilang ay nasa 20 porsyento ang itinaas ng kaso kumpara sa naitalang bilang ng mga nasawi noong nakalipas na taon sa parehong panahon.

“Dati from January to August ang number natin ay 199, halos 200 tao ang namatay... Ngayon nasa 237,” ani Ho sa nasabing panayam.

Karamihan aniya, sa kasong ng rabies ay mula sa kagat ng mga aso.

“’Yung pets hindi rin natin alam kung saan-saan sila dumadayo, pumupunta. Talagang may chance pa rin na kahit may bakuna sila, maaari pa rin silang makakuha at magtago ng rabies virus sa loob ng katawan nila,”paliwanag niya.

Hinimok ni Ho ang mga pet owner na maging responsable sa pamamagitan ng pagpapabakuna sa mga alagang hayop, iwasang galitin ang mga ito at itali malayo sa mga bisita.

Una nang sinabi ng DOH na may 100% fatality rate ang rabies.

vuukle comment

DOH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with