^

Police Metro

4-anyos napisak ng SUV

Ludy Bermudo - Pang-masa
4-anyos napisak ng SUV
Ang 4-anyos na batang babae na pumailalim sa isang SUV matapos na siya ay masalpok naganap sa Malate, Maynila.

MANILA, Philippines — Isang 4-anyos na batang babae ang nasawi matapos masagasaan at puma­ilalim sa isang sports utility vehicle (SUV) sa Adriatico­ St., Malate, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang nasawing biktima na si Radzma Upao, 4-anyos, residente ng No. 2142-22 Adriatico St., Malate, Maynila.

Agad namang naaresto ang suspek na driver ng Mistubishi Montero Sport na si Gil Cruzada, 63, retired overseas Filipino worker (OFW), residente ng No. L 16, B2 Garden City Subd., San Isidro, Parañaque City.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, bago naganap ang aksidente, alas-2:00 ng hapon ay binabagtas ng Montero ang Adriatico St., kanto ng Quirino Avenue nang mabangga at pumailalim sa sasakyan ang biktima hawak ang kanyang manika.

Itinakbo sa Ospital ng Maynila ang bata, subalit­ nasawi ito, alas-3:14 ng hapon habang nilalapatan ng lunas dahil sa natamong mga pinsala.

vuukle comment

AKSIDENTE

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with